KINALAMPAG ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications firms para balaan ang kanilang mga subscriber laban sa kumakalat na spam text message na nag-aalok ng pekeng trabaho.
Sa inilabas na pahayag ngayong Sabado, iginiit ng NTC sa DITO, Globe at Smart na mag-send ng text blast na may mensahe na: “BABALA: HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAG-AALOK NG TRABAHO NA MAY PANGAKO NG MALAKING SWELDO, ITO PO AY SCAM.”
Inatasan ng NTC ang telecommunications companies na sumunod sa naturang kautusan hanggang Hunyo 4, 2022.
Samantala, inatasan na rin ang NTC regional directors at officers-in-charge na palakasin ang kanilang babala sa pamamagitan ng pagtalakay sa local radio at television programs.
Ang naturang modus ay matagal nang problema ng bansa, lalo na nang pumutok ang COVID-19 pandemic.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA