Binati ng country head ng Bank of China Manila Branch na si Jun Deng ang DITO Telecommunity matapos nitong maabot ang 10 million-subscriber mark sa buong bansa.
“Congratulations on the number of subscribers of DITO over 10 Million today!” ayon kay Deng.
Ibinahagi pa nito na masyadong advance at kahanga-hanga ang teknolohiya ng DITO matapos nitong bisitahin ang ilang Operating Centers ng DITO Telecommunity sa Davao ngayong araw.
“I also want to give many thumb-ups to POLYHUAXIN and Fiberhome for the high quality and fast construction,” dagdag pa ni Deng.
Target ng bagong major telco player, isang joint venture ng grupo ni Davao-based businessman Dennis Uy kasama ang China Telecommunications, na umabot sa may 12 million ang users ng DITO bago matapos ang taon.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON