December 27, 2024

SUBPOENA VS VP SARA – NBI

PAPADALHAN ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kanyang mga kontrobersiyal na pahayag na may inutusan umano ito para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ilalabas ang subpoena ngayong Martes.

Kaugnay nito, magsasagawa na ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng hitman na sinabi ng Vice President na kanya umanong inutusan para pumatay sakaling may mangyari sa kanyang masama.

Ang subpoena ay magbibigay ng pagkakataon kay Vice President Duterte na ipaliwanag ang kanyang mga pahayag hinggil sa assignation plot. Kung hindi siya tumugon sa subpoena sa loob ng limang araw, ang NBI ay maaaring magpatuloy sa pag-file ng kaso laban sa kanya.

Tandaan na ang Vice President ay hindi immune sa mga kasong kriminal o administratibo, at ang Ombudsman ay may awtoridad din upang disiplinahin at gumawa ng mga kinakailangang hakbang. (ARSENIO TAN)