December 24, 2024

SUBIC RESORT IDEDEMANDA MATAPOS MAMATAY 5-ANYOS DAHIL SA DIKYA

MAARING maharap sa demanda ang beach report sa loob ng Subic Special Economic and Freeportr Zone mula sa pamilya ng 5-anyos na bata na namatay matapos dikitan ng dikya habang lumalangoy sa commercial establishment noong nakaraang buwan.

Ayon kay Jahaziel Michaellie Maningding, plano nilang dalhin sa korte ang All Hands Beach resort sa San Bernardo, Olongapo City dahil sa kapabayaan na nauwi sa kamatayan ng kanilang anak, na namatay dahik sa jellyfish sting habang naliligo sa dagat noong Hunyo 28.

“Yes, but we are still making arrangements on who will handle the case,” ayon kay Maningding.

Ayon kay Maningding, walang abiso ang resort tungkol sa banta ng jellyfish stings.

Sumaklolo ang isang tauhan ng beach resort matapos madikitan ng dikya ang bata, ngunit nawalan na ito ng malay.

“Masakit po talaga, siya ‘yung ligaya sa bahay namin. Hindi mapapalitan ng kahit ano ‘yung anak ko. Hindi ko alam kung bakit may mga ganiyan na resort  na… alam na nila ‘yung mga nangyayari, possible na mangyayari. Wala  silang [awa] sa bata,” sabi ni Maning. Idinagdag niya na ang resort ay hindi rin handa sa paghawak ng life-threatening emergency, dahil walang sasakyang upang dalhin ang kanyang anak sa ospital sa sandaling iyon.

Nakarating pa rin ang bata sa Allied Care Experts Medical Center-Baypointe sa tulong ng isa pang resort-goer pero binawian din ng buhay habang ginagamot, ayon kay Maningding.

Itinanggi naman ni Atty. Josefina Buena, legal counsel ng All Hands Beach, ang salaysay ni Maningding na walang sasakyan ang resort para sa emergency.

All Hands (Beach) has a vehicle and a driver but was away at the time taking care of other things,” ani Buena.

“So what happened [was] there was a guest that was leaving [the resort], so we found another way so we can bring the child to the hospital,” saad apa niya.

Sinabi rin ni Buena na isolated case lang ang naturang insidente, kung saan nilinaw nito na nagsasagawa sila ng clearing operations sa mga jellyfish sa swimming area.