TARGET ng dating Olympian na si Charly Suarez na mapanatiling malinis ang marka bilang professional fighters tungo sa mas matibay na katayuan bilang dominanteng fighter sa super featherweight ng international arena.
Tatangkain ni Suarez, dati ring multi-medalist sa Southeast Asian Games bago napasabak sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil, na madepensahan sa ikalawang pagkakataon ang World Boxing Association (WBA) Asia super featherweight title laban sa matikas ding si Philippine champion Carlo Magali sa Oktubre 23 sa Elorde Boxing Center sa Parañaque City.
“Ready naman tayo. Since nasa National team ako, tinandaan ko na maihanda ang sarili ko physically and mentally. Pero sa haban ng experience ko idinagdag ko na kailangan handa rin tayo maging sa spiritually,” pahayag ng 33-anyos na tubong Sawata, Davao del Norte sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Queozon City.
“Kailangan sa bawat laban natin sa sports man at sa buhay dapata kasama natin ang Panginoon. Ito ang lagi kong sinasabi sa mga kapwa boxer ko at sa mga batang atleta. Kailangan nating magsanay at maghada pero huwag nating kalimutan na samahan lagi ng pagdarasal,” aniya.
Kasalukuyang No.36 ranking si Suarez sa naturang dibisyon ng World Boxing Council (WBC) na kasalukuyang tangan ng American star na si Shakur Stevenson. Tangan niya ang 12-0 marka, tampok ang pitong knockout. Sa kabila ng pagiging ‘late bloomer’ sa pro rank, impresibo ang kampanya ni Suarez tampok ang 12th round technical knockout win kay Tomjune Mangubat para makamit ang bakanteng WBA Asia belt.
“Kami naman ni Charly (Suarez) ay matagal ng magkasama kaya kabisado na namin ang isa’t isa, basta sa training kung ano yung nakita ko na dapat pang ayusin adgad namin pinag-uusapan. Sa kasalukuyan, kondisyon si Charly at magandang laban ang mapapanood ng boxing fans,” sambit ng dati ring amateur internationalist at ngayon ay coach na si Delfin Boholst.
“Malakas din si Carlo (Magal). Malaking pangalan na rin siya sa Philippines boxing kaya hindi rin kami nagpapasiguro, basta tuloy lang kami sa programa namin,” daddag ni Boholst sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.
Hawak ni Magali ang ring record na 25 panalo (13KO). Nakatakda san siyang lumaban sa South Africa nitong Aug. 21 ngunit nakansela ang duwelo niya kay Ayanda Nkosi para sa World Boxing Federation (WBF) lightweight title fight.
Kabilang sa malalaking panalo ni Magali ang knocked out win kay Davey Browne Jr. para sa International Boxing Federation (IBF) Pan Pacific super featherweight belt isa Australia. Naging kampeon din sa Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF).
Nagpahayag din pasasalamat sina Suarez at Bohols sa suporta ng Philippine Army kung saan kapwa sila miyembro, gayubndin sa mga pribadong sponsors, sa pamilya Elorde at sa promoter ng laban na VSP Promotions.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA