Naging matagumpay ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang storage facility sa Valenzuela City na naglalaman ng mga pekeng produkto ng “Puma.”
Armado ng search warrant, isang team mula sa NBI ang nagtungo sa ground floor ng Building No. 60A, J.P Rizal Street, Arty Subidvision ng naturang lugar dakong alas-10:00 ng umaga kaninang umaga.
Inimpormahan ng NBI ang local barangay officials sa pangunguna ni Kap. Martell Soledad kasama ang dalawa pang tanod gayundin si Ex-O Ugto Ignacio at iba pa, hinggil sa naturang search warrant, at ang mga ito ang tumulong sa kanila upang matukoy ang lokasyon ng storage facility.
Kabilang sa mga nadisubre ng NBI agents ay 21 piraso ng t-shirt na may tatak ng pekeng Puma, 20 piraso ng sticker ng Puma, 1 sticker printer, 1 desktop computer set, 1 laptop, 1 heat press machine, at iba pang mga dokumento.
Pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang planong pagsalakay sa iba pang storage facility matapos makatanggap ng reklamo kaugnay sa talamak na pagbebenta at pamemeke ng mga produkto ng Puma sa Valenzuela.
Nahaharap ngayon ang may-ari ng sinalakay na storage facility sa kasong paglabag sa Trademark Infringement under the Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act 8293.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA