
Si Stephen Curry ng Golden State Warriors ang manlalarong may pinakamalaking kokobrahin sa 2022-23 NBA Season. Magbubulsa ang ‘The Chef’ at 4-time NBA champ ng $48 milyon. Sinundan siya ni John Wall, na ngayo’y na sa LA Clippers na ng $47.3M. Pangatlo si Russell Westbrook ng Lakers na may $47M at pang-apat ang kakamping si LeBron James na may $44.4M.
Panlima naman si Kevin Durant ng Brooklyn Nets ($44.1M), pang-anim si Bradley Beal ng Washington Wizards ($43.2M), pangpito si Paul George ng Clippers ($42.4M), pangwalo si Kawhi Leonard ng Clippers din ($42.4M), pangsiyam si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ($42.4M) at pansampu si Damian Lillard ng Portland TrailBlazers na kasama rin sa $42.4M club.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT