
Kumislap si Steph Curry sa pagpapak ng Golden State Warriors sa Denver Nuggets. Pinapak ng Warriors ang Nuggets, 126-106 sa Game 2 ng NBA Playoffs West Round 1.
Bumira si Curry ng 34 points, 4 assists at 3 boards sa loob ng 23 minutong paglalaro. Kumana naman si Jordan Poole ng 29 points, 8 assists at 5 boards. Habang si Klay Thompson naman ay tumipa ng 21 points at 2 boards.
Sa panig naman ng Nuggets, lumagare si Nikola Jokic ng 26 points at 11 boards. Malaking tulong ang buwenas na opensa ng Warriors. Bagamat lumamang ng maaga ang Denver sa 1st quarter, naapula ito ng Warriors.
Tinambakan sila ng Denver ng 12 points sa 2nd quarter. Pero, naungusan pagsapit ng 4 minute mark, 44-43. Kung kaya, nakuha ang lamang at naiwanan ang Denver. Lamang na sa 2-0 sa series ang Golden State.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT