December 19, 2024

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES ‘DI NA TATANGGAP NG SENIOR HIGH SCHOOL (Public high school magdurusa – ACT)

Nangangamba ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na mas lalala ang pagsisikip sa public high school matapos ipatigil ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ng senior high school students.

 “Kung pagbabatayan natin ang kasalukuyang kalagayan ng mga classroom, siksikan na ito kaya pangamba namin magkakaroon ng kanya-kanyang mekanismo ang DepEd dito kung papaano ito tatanggapin,” ayon kay ACT National Chairperson Vladimer Quetua.

“Tingin ko darating tayo sa punto na magkakaroon ng tinatawag na Saturday classes or third shift at ang pinaka-miserable ay magkakaroon ng doble o siksikan na mga estudyante sa loob ng classroom at iyan ang pangamba namin na lalong mag-deteriotate ang kalidad ng edukasyon,” dagdag niya.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), mayroong 114 SUCs at 146 LUCs sa bansa.

Sa memorandum na may petsang Disyembre 18, ipinaalala ng CHED na tapos na ang transition period para sa SHS program sa mga SUC at LCU.

“DepEd and CHED signed an agreement that during that transition period that state universities and colleges can offer senior high to use the excess capacity of classrooms and teachers and these students will be paid by DepEd through vouchers,” ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera.

“The transition period is already finished. It stopped, it finished in 2021. The public universities are now at full capacity because the enrollment has increased and therefore there is no more legal basis for them to be offering senior high,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Poa, patatapusin pa rin ang mga nasa Grade 12 pero hindi na tatanggap ang mga SUC at LUC ng mga Grade 11 student.

Nauna naman dito sinabi ng CHED, na ang SHS Program ay pinapayagan lamang na ialok ng mga SUC at LUC noong K-12 transition period simula School Year 2016-2017 at School Year 2020-2021.

Sinabi pa ng CHED na puno na rin sa ngayon ang mga SUC at LUC ng mga bagong mag-aaral kaya’t kailangan na nito ang mga pasilidad at mga guro.