Ihihirit ni Health Secretary Ted Herbosa sa pamahalaan na tanggalin na ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) state of public health emergency sa bansa.
“Wala nang emergency diba? I think I would actually ask the lifting of the Public Health Emergency in the country,” ayon sa Kalihim.
Inihalintulad din ang COVID-19 sa pangkaraniwang sakit.
“It’s just one of the diseases we monitor just like influenza and cough, colds, etc.,” saad niya.
“The alert level system will stay kasi [because] that’s a system like the typhoon signal that stays but actually, parang hindi na siya a public health emergency,” dagdag pa nito.
Matatandaan na unang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency dulot ng COVID-19 at state of calamity noong Marso 2020.
Sa Proclamation 922, mananatili pa rin ang state of public health emergency hangga’t hindi pa binabawi o inaalis ng punong ehekutibo.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD