NANAWAGAN ang Management Association of the Philippines (MAP) sa gobyerno na ideklara ang “state of calamity” sa Metro Manila sa lumalalang trapik sa nasabing rehiyon.
Ayon sa MAP, nagdudulot ang traffic congestion ng aabot sa P3.5 bilyon ng pagkalugi sa ekonomiya araw-araw. Ayon kay MAP Transportation and Infrastructure Committee Chair Eduardo Yap, sapat na ang P1 bilyong pinsasala ng calamity para ideklara ang state of calamity sa NCR.
Kasabay nito, inilatag ng MAP ang mungkahi nila para ayusin ang mga problema sa traffic sa pagdinig ng House committee on Metro Manila development kung saan pinag-usapan ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para matugunan ang naturang suliranin.
Nauna nang iminungkahi ng MAP na magdeklara ang Pangulo ng krisis sa traffic sa NCR at magtalaga ng uupo bilang traffic czar.
Ang MAP ang nagmungkahi ng EDSA Busway system na dapat mga sasakyang maraming pasahero ang karga ang maaaring dumaan.
Sabi ng MAP, hindi dapat payagan ang mga pribadong sasakyan at mga electric vehicle sa Busway kundi mga behikulo lamang na maaaring magsakay ng maraming tao.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA