GINAGAMOT ngayon sa San Juan District Hospital ang anim na miyembro ng isang pamilya makaraang mahulog sa ibabaw ng elevated/roof top parking lot ng San Juan Public Market ang kanilang sinasakyan na Hyundai Starex Van na kulay green at may plakang ZBM 958 bandang 12:20 ng tanghali nuon araw ng Sabado sa Barangay Poblacion ng San Juan, Batangas.
Kinilala ang mga nasugatan na biktima na sina 1. Juan Perez, 54, 2. Merlie Perez, 56, 3. Dolores Arago, 57 at tatlong menor de edad na pawang mga residente sa bayan ng San Pascual, Batangas.
Ayon sa mga imbestigador ng San Juan Municipal Police Station, paalis na ng parking lot ang Van lulan ang mag anak ng mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Juan, bago sumalpok sa barrier at nahulog galing sa ibabaw ng nabanggit na public market ang sasakyan at nahagip din ang nakaparadang Isuzu Composite Van na may plakang CAZ 5449 na pagmamay-ari ng Nutri Line Incorporated at minamaneho ng driver na si Jeffrey Landicho.
Mabilis naman naisugod sa nasabing pagamotan ang anim na biktima ng mga rumespondeng kagawad ng San Juan Municipal Disaster Risk Management Office (MDRRMO). Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Physical Injuries and Damage to Properties ang driver ng nahulog na van.(KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI