January 23, 2025

SSS monthly payment hike stop muna

Kailangang suspendihin muna ng Social Security System (SSS) ang naka-schedule na dagdag monthly contribution rate ngayong January 2021 dahil sa kahirapan na dinadanas ng mga working class sa ngayon.


Batay kasi sa SSS reform law, kailangan itaas ang contribution ng mga miembro upang maiwasan ang pagkabangkarote ng ahensya. Sa Social Security Act of 2018 na inaprubahan ni Pangulong Duterte, kinakailangan itaas ngayong January 2021 sa 13% from 12% hanggang sa maabot ang 15% monthly contribution rate by 2025.

Nguni’t maraming mga miembro ng SSS sa ngayon ang nawalan ng trabaho at nabawasan ang oras ng trabaho. Dahil dito, napakarami ang nawalan ng income habang ang iba nama’y nabawasan ang sweldo at lumiit pa sa dating tinatanggap nila. 

May problema pa nga hanggang ngayon ang mga kumpanyang nalugi at nagsara noong kainitan ng lockdown at may 1 hanggang 6 na buwan na hindi nakapagbayad ng remittances nila sa SSS, Pagibig at Philhealth.

Dahil dito, the SSS has to suspend the increase until our economy gets better. 

Nauna nang sinuspinde ng Pagibig ang naka schedule nilang monthly contributions dahil sa pandemic crisis hitting both workers and employers. 
Kailangan maigitingin na lang ng SSS ang collection system nila, magtipid at moratorium muna sa mga perks and bonuses ang mga top executives at board members ng ahensya.