Negatibo sa COVID-19 si sprinter Kristina Knott nang salangin ito sa test sa Europe. Kaya naman, pinayagan na siya pati ang American coach na si Rohsaan Griffin na makabalik muli sa US.
Malaki naman ang pasalamat ng Tokyo olympics- bound sprinter sa Diyos dahil sa negative siya sa huling test. Aniya, kinarantin sila ng 5 days sa tinuluyang hotel.
Nagpositive kasi siya sa virus sa bisperas ng kanyang pagsalang sa Karlstad Grand Prix sa Sweden. Nagulat si Knott ang ang kanyang coach dito. Kasi, fully vaccinated naman sila ng Pfizer vaccine sa US.
Nanlumo ang sprinter sa nangyari. Kaya nagawa niyang umurong sa women’s 100 at 200-m dashes sa Grand Prix. Ngunit, nanumbalik ang kanyang sigla at pag-asa.
Sa kabila kasi na una siyang nagpositive sa virus, ginawaran siya ng Olympic spot via universality place sa 200-meter race sa Tokyo. Ang balitang ito ay natanggap niya sa parehong araw na nagpositive siya sa virus.
Gayunman, sa kanyang muling pagbabalik US, maayos na ang lahat. Kaya, nagpasaamat siya sa kanyang Instagram stories. Nakatakdang magsanay si Knott sa Austin,Texas sa July 6.
“We will train there until July 18 and then will head to Nagasaki for 10 days until heading into the Olympic Village on July 28,” ani Griffin.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!