December 25, 2024

SPORTS GOVERNING BODIES, TINABLA ANG RUSSIA; ATP AT WTA, NAGBIGAY NG KONSIDERASYON

Kaliwa’t kanan pang sports governing bodies ang tumabla sa Russian teams at athletes. Ban na  sila sa ilang competitions matapos ang invasion nito sa Ukraine.

Kabilang sa pinakabago ang International Skating Union. Gayundin nang International Volleyball Federation (IVF). Katunayan, inalis nito sa Russia ang pagiging host ng men’s world championships.

Ang governing bodies ng pro tennis na ATP ( Association of Tennis Professionals) at WTA ( Women’s Tennis Association) ay nagbigay ng konsiderasyon. Maaari pa ring maglaro mang players mula sa Russia at Belarus. Pero, hindi sila papayagang makilahok gamit ang bandila ng kanilang bansa.

Tablado naman ang Russia sa FIBA Basketball at FIBA 3X3 basketball competitions. Nagpahayag din ang organisasyon at ang ISU ng suporta sa Ukraine.

 “FIBA remains very concerned by the recent events in Ukraine and expresses its deepest sympathies to the victims,”anila.