Nagagalak si coach Erik Spoelstra ng Miami Heat kaugnay sa idaraos na FIBA World Cup sa bansa. Ipinagmamalaki ng Fil-Am coach ang ugali ng mga Pinoy. Lalo na ang mainit na pagtanggap sa mga bisita at hospitality.
Kaya naman, excited na si Spoelstra sa 2023 FIBA World. Batid niya na matindi kung magsuporta ang mga Pilipino fans.
“I’m really grateful that everybody will be able to see Manila, and the enthusiasm about basketball. The fanbase there is good as anywhere in the world. I’m just glad that the entire world will see that,” ani coach Erik.
Kaugnay sa torneo, balak ng Gilas na gawing foreign team consultant ang Fil-Am coach. Malaki aniya ang maitutulong nito para sa national team.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2