
Bumida ang ‘Splash Brothers’ na sina Stephen Curry at Klay Thompson sa isang blow-out win. Tinagpas ng Golden State Warriors ang Detroit Pistons, 102-86. Bumira si Thompson ng 21 points, 3 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Curry ng 18 points, 8 assists at 3 rebounds.
Samantala, kuminang naman si Karl-Anthony Towns sa panalo ng Minnesota Timberwolves. Nilapa ng team ang New York Knicks, 112-110. Gumawa si Towns ng 20 points, 5 boards at 3 assists. Tumulong naman so Anthony Edwards sa paglista ng 21 points at 3 assists.
Sa panig naman ng Knicks, kumana si Evan Fourier ng 27 points, 4 boards at 4 assists. Habang si Julius Randle ay bumuslo ng 20 points at 9 assists at boards.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT