TINIYAK ng Southern Police District SPD na susuportahan nila ang Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) sa ilalim ng Executive Order No.23 at National Greening (NGP) Program.
Ito ang inihayag ni SPD director PBGen Eliseo DC Cruz kasama ang kanyang Command Group at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa Las Piñas- Parañaque Wetland Park kaninang umaga.
Ang mga tauhan ng Southern Police District – NCRPO, BFP, BJMP at BuCor ay sumali sa Coastal Clean-up Drive upang makatulong na mapanatiling malinis ang ating kapaligiran at hikayatin ang publiko na itapon nang maayos ang kanilang mga basura upang mapanatili ang ating wildlife and forest resources.
Layunin din nito upang mapanatili na Malinis ang kapaligiran sa panahon ng pandemya upang hindi makompromiso ang kalusugan ng publiko.
Binigyan diin ni Cruz na bahagi ng adbokasiya ng PNP na protektahan ang kalinisan partikular ang mga programa at proyekto ng DENR sa pangangalaga sa kalikasan.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD