Ikinagulat ng sports department ng South Korea ang paglalahad ng mga skaters na inaabuso ng kanilang coaches. Ginulantang ng two-time Olympic skater champion at PyeongChang gold medalist na si Shim Suk-hee ang madla sa kanyang rebelasyon na siya ay ginahasa ng kanyang former coach.
Aniya, ginagawan na siya ng kahalayan ng kanyang coach noong siya ay 10-anyos. Bukod sa kanya, marami pang atleta ang inabuso ng manyakis nilang mga coaches. Kabilang na rito ang kapwa niyang speedskaters, mga nasa judo, taekwondo at wrestling. Gayunman, hindi na pinangalanan sa idinaos na news conference ng South Korean Parliament ang mga atleta para sa kanilang parivacy concerns.
Ayon sa isang politician na si Soh Hye-won, ang isa aniya sa biktimang skater ( na dumulog sa kanya) ay nagsabing paulit-ulit siyang niluray ng kanyang coach habang nagsasanay sa Korea National Sport University ( KNSU), kung saan nagmumula ang mga atletang inilalahok ng bansa sa olympics.
Ayon sa skater, puwersahan siyang niyakap at pinaghahalikan ng kanyang coach. Nang tumangging makipagtalik, inupat siya ng coach at pinagsasabihan ng masasakit na salita. Ang naturang coach ay si Jeon Myeong-gyu na kilalang godfather ng skating sa South Korea na pinatawag para sa imbestigahan.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!