December 25, 2024

South Korean fraudster arestado ng BI

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa telecommunication fraud.

Nakatakdang ipa-deport sa kanyang bansa ang puganteng si Park Seul Ki, 33, na naaresto noong Agosto 12, sa kanyang bahay sa Parañaque City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.


Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nadakip si Park sa bisa ng warrant of arrest na naging dahilan ng deportation order na inilabas ng BI board of commissioners na inilabas ng Koreano noong 2017 dahil sa pagiging undesirable alien.

Nakapiit ang naturang Koreano sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation.

“He had continuously eluded arrest for the past seven years since he fled to the Philippines to avoid prosecution for his crime.  Finally, the long arm of the law has caught him and we will send him back to Korea so he could answer the charges filed against him,” dagdag ni Tansingco.

Aniya, hindi na makakabalik na sa Pilipinas si Park dahil inilagay na siya sa immigration blacklist at bawal nang bumalik sa Pilipinas.

Napag-alaman nmula sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Maynila na subject si Park ng arrest warrant na inilabas ng central district prosecutor’s office sa Seoul at Hong Sung district court na may nakabinbin siyang kaso mg fraid dahil sa paglabag sa telecommunications business act sa Korea.

Itinuturing din si Park na miyembro ng sindikato na gumagamit ng voice phishing upang mambiktima.

Tatawag ang mga miyembro ng sindikato at magpapanggap ng imbestigador ng gobyerno, para ibigay ng kanilang biktima ang kanilang personal na impormasyon na gagamitin ng sindikato sa kanilang illegal na aktibidad.


Itinuturing na rin si Park bilang undomented alien at kinansel na rin ang kanyang pasaporte ng Korean government. Lumalabas sa record na dumating siya noong 2016 at indi na umalis ng bansa. ARSENIO TAN