December 25, 2024

SOUTH KOREA, BUMAKLAS SA FIBA ‘QUEZON CITY’ WINDOW


Bumaklas ang South Korea sa pagbuslo sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Ito ay batay sa desisyon ng Korea Basketball Association (KBA).


Sa isinagawang meeting, nagpasya ang team na huwag tumulak sa PIlipinas. Kung saan idaraos ang Quezon City window. Nalagay kasi sa balag ng alanganin ang team dahil sa COVID-19 outbreak.
Sa ulat ng Jumpball, isang Korean player ang nagpositibo sa virus. Nangyari ito nang preparado na sana ang team na lumipad papunta sa Pinas.


Ang nasabing player ay naglaro muna sa isang universidad. Hindi umano ito nagsuot ng facemask sa entire game. Dahil sa pasya ng KSA, nasa kamay ng FIBA kung idi-declare na foreited ang laro ng Korea. O kaya ay iuurong ang laro parekta sa 3rd round na ikakasa sa June.

Nakatakda sanang maglaban ang Korea at Gilas sa Feb. 24. Haharap naman sila sa New Zealand sa petsang 25 at India sa 27. Pagkatapos ay laro uli kontra sa Gilas.