HINDI dadalo si Vice President Sara Duterte na dumalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo 22.
Ito ang magiging unang pagkakataon na hindi makakapunta si Sara sa SONA ni Marcos.
“No, I will not attend the Sona,” wika ni Sara.
Saad ni Duterte, ina-appoint niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”
Matatandaan na hindi rin sumipot sa opening ceremony si Sara sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City noong Martes, Hulyo 9, na pinangunahan ng Pangulo.
Pero ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, hindi nakadalo Sara sa opening ceremony ng Palarong Pambansa 2024 para bisitahin ang mga may sakit na atleta. “Ang alam ko po bumisita ang ating Vice President sa mga Palaro athletes na na-confine sa hospital ngayong hapon to boost their morale,” ayon kay Poa.
Noong nakaraang buwan nang bumaba si Sara bilang DepEd chief at Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA