January 24, 2025

Solusyon sa Problemang Kinakaharap sa PUVMP ng Pamahalaan, Inilatag sa Pinagandang Traditional Jeepney na Tulong sa mga Filipinong Tsuper

]

Tinitiyak ni Dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na hindi mabibigatan ang mga driver ng mga traditional  jeepney na kanyang dinibelop sa South Korea sa sandaling umarangkada na ang planong public utility vehicle modernization program ng gobyerno.

Ang naturang jeepney aniya ay pasok sa standard ng pamahalaan sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Singson,  ginaya ang proto type jeep sa lumang pampasaherong jeep sa Pilipinas kung kaya’t ang nakagisnan pa  ring dyip ang magiging disenyo.

Ang kagandahan pa aniya rito ay walang ilalabas  na down-payment at walang ipapataw na interest o zero interest upang matulungan ang mga tsuper at operators.

Sinabi ni Singson na  nakikipag-ugnayan na siya  sa mga transport group tulad ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOPF, ALTODAP, PASANG Masda, Piston at iba pa.

Binanggit din ni Singson na nakipag-usap na rin siya sa mga pinuno ng ilang LGUs na magbibigay ng magandang oportunidad upang kumita sa mga namamasadang driver sa kanilang nasasakupan.

Iginiit ni Singson na sa halip na sa kooperatiba ang mga LGU aniya ang mangangasiwa sa mga ipamamahaging dyipni, at sa LGU na lamang magre-remit ng bayad ang mga tsuper, kaya mananatili pa rin ang kinikita ng mga dyipni driver na sasapat sa kanilang mga pangangailangan.

Nabatid sa dating gobernador na simula sa buwan ng Mayo 2024, ay iaalok na ang naturang electric jeepney para sa mga pinoy driver.

Nasa 100,000 mga e-jeep ang unang batch na ibibigay sa mga Pinoy jeepney driver sa buwan ng Mayo.

Ang naturang jeep ay ginawa sa South Korea, ngunit sa mga susunod na buwan ay magkakaroon na ito ng sariling factory dito sa Pilipinas.