LIBON-ALBAY – Nanawagan ng hustisya at katarungan kay Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., ang mambabatas na si Congressman Didi Cabredo at mga mamamayan sa bayan ng Libon sa Albay makaraang maitala ang sunod-sunod na pamamaslang sa dalawang Barangay Chairman at dalawang Barangay Kagawad kabilang ang asawa ng isa sa mga biktima.
Sa pinakabagong ulat mula sa Regional Police Office 5 ng PNP pauwi na ng bahay galing sa pagsusumite ng kanyang Certificate of Candidacy o COC bandang 6:40 ng gabi nitong Lunes, Agosto 28, ang biktimang si incumbent Barangay Chairman Alex Enriquez Repato, 51 anyos ng Barangay San Jose nang harangin at tambangan ng dalawang hindi kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan. Agad binawian ng buhay ang barangay chairman.
Patay din noong Agosto 22 ang Top notcher Barangay Kagawad ng Barangay Nogpo na si Rellosa Mata at ang asawa nito na si Alfredo Mata.
Ayon sa report, pauwi na ng bahay ang mag-asawa galing sa isang lamay sa Barangay Bariw nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek ang sinasakyan na motorsiklo ng mga biktima. Pinaslang din ang dalawa pang biktima na sina Barangay Chairman Oscar Maronilla ng Barangay San Pascual at Barangay Kagawad Salvador Olivares ng Barangay Bariw, bago pa sumapit ang filing ng Barangay at Sanggunian Kabataan (BSKE) Election. (KOI HIPOLITO)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA