Nanawagan ang isang mambabatas na taasan ang starting pay para sa mga government nurses ng mahigit P60,000 kada buwan, sa layuning madiscourage na ang mga ito na hindi na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.
Ito ay matapos na tanggalin na ang deployment ban laban sa mga healthcare workers para matiyak na mayroong sapat na medical professionals sa gitna ng coronavirus disease pandemic.
Dahil dito, naghain si Anakalusugan Rep. Michael Defensor ng House Bill 7933 na humihirit na halos doblehin ang starting pay para sa government nurses mula sa Salary Grade 15 o P32,053 patungo sa Salary Grade 21 o P60,901.
Ayon kasi kay Defensor, nasa 19,000 na mga nurses ang nawawala sa bansa bawat taon para magtrabaho abroad, kung saan pataas nang pataas ang naturang bilang hangga’t hindi natitiyak ang mataas na antas ng pamumuhay sa sariling bayan para sa mga ito.
Mababatid na batay sa mambabatas, ang mga nurses na nag-aral sa Pilipinas, ngunit nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay binabayaran umano ng P60,000 monthly sa mga ospital at P80,000 naman sa “private duty” services.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA