NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng financial assistance sa third batch ng kuwalipikadong mga solo parent ngayong taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-16th na Anibersaryo ng Lungsod.
Nasa 200 Navoteñong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong rehistrado at na-renew na solo parent identification card.
Kinilala naman ni Mayor John Rey Tiangco ang hirap at sakripisyo ng mga solo parent para sa kanilang pamilya.
“We hope that through this small amount, we can help you provide the needs of your families. We also urge other solo parents to register and secure their IDs to get their due benefits,” aniya.
Ang mga solong parents ay dapat mag-apply o mag-renew ng kanilang solo parent identification card at sumailalim sa validation ng City Social Welfare and Development Office upang maging kuwalipikado para sa solo parent cash aid.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW