Bilang bahagi ng mga pagsisikap ng Corporate Social Responsibility (CSR), pinalawig ng Soliman E.C. Septic Tank Disposal ang suporta nito sa Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng pagpapahiram ng 20 portable toilet na estratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar ng Freeport na ito.
Ang mga portalet, na nagkakahalaga ng P2,500 bawat araw kasama ang maintenance sa loob ng 20 araw, ay nagkakahalaga ng P1 milyon sa kabuuan. Gayunpaman, ipinahiram ng Soliman E.C. ang kagamitan nang libre bilang bahagi ng programa ng CSR ng kumpanya. Ayon kay Soliman E.C. Marketing Manager Donnel Madla, ang mga portalet ay itinuturing na “VIP” type na mayroong flushable bowl sa loob ng bawat portable toilet.
Itinurn over ni Soliman E.C. Key Account Officer-in-charge Gennel Teodoro ang nasabing portalets na tinanggap ni CDC Environmental Permits Manager Engr. Rogelio Magat.
Mapakikinabanangan ng mga residente at visitors ng Clark ang mga apat na portalets na inilagay sa Picnic Grounds, dalawa sa vicinity ng Ayta Na market, habang ang iba ay sa Clark Parade Grounds.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA