November 24, 2024

SOFITEL TULUYAN NANG ISINARA

Matapos ang 46 taon, opisyal nang nagsara ngayong araw ang landmark na Sofitel Philippine Plaza Manila dahil sa safety concerns at sa tumitinding labor dispute

Namalaam na sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ang naturang hotel, na huling pinangasiwaan ng multinational tourism company na Accor SA sa ilalim ng Sofitel brand nito at nagpapasalamat sa mga guests sa magagandang alaala na nagmarka sa kanilang mga puso,

Ang naturang property, na pagmamay0ari ng Government Service Insurance Service (GSIS) ay isa sa 12 hotel na itinayo noong 1970s, bilang bahagi ng preparasyon para sa annual meeting ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB), na ginanap sa Maynila noong 1976.

Matapos ang IMF-WB meeting kinontrata ng pamunuan ng hotel ang global Starwood hotel chain at kinilala bilang Westin Philippine Plaza hanggang 2005. Sa sumunod na taon, nakuha ng Accor SA ang management contract at pinalitan ang pangalan bilang Sofitel Philippine Plaza.

Gayunpaman, noong Mayo, inanunsiyo ng Accor na permanenteng isasara ang hotel dahil sa 24 fire inccidents na naapektuhan ang structural integrity ng property.

Gayunpaman, naglabas ng statement noong National Union of Workers in Hotel, Restaurant and Allied Industries (Nuwhrain) para batikusin ang naturang pagsasara,

Hinihinala ng grupo na ginagamit lamang ang pagsasara upang lusawin ang aktibidad ng union at pagkuwestiyon sa katunayan ng pagsasara kabilang ang ilang pagkukulang ng hotel sa usaping pangkaligtasan at umiiral na operasyon.

Nasa 500 ang regular workers at mahigit 1,000 contractual workers ang nagtatrabaho sa Sofitel.