Matapos ang mapait na pagkatalo sa Paris Olympics 80kg division, nakaramdam ng pag-asa si Eumir Marcial nang lapitan siya ni dating four-division world champion Gennadiy “GGG” Golovkin at hinimok siya na ituloy ang propesyonal na boksing.
Dati ring Olympian si GGG (42 pabalo, 2 talo, 1 tabla) bago maging progessional boxer.
Ayon kay Marcial sa kanyang social media post, labis niyang iniidolo si GGG at nagulat siya nang lapitan siya ng kanyang idolo sa backstage sa North Paris Arena.
Hinahangaan kita sa loob ng boxing ring pero mas lalo kita hinahangaan sa baba ng boxing ring nong nilapitan mo ako para icheer up at magbigay ng advice. And I’ll keep the words na sinabi mo sa kin na mas better ako sa Professional boxing. Much respect champ GGG,” saad ni Marcial.
Matatandaan na si GGG ang naging mahigpit na kalaban ng Mexican legend na si Canelo Alvarez matapos ang kanilang trilogy fight.
Samantala, pinakatikim ng pagkatalo ng Olympic debutant an si Turabek Khabilbullaey ng Uzbekistan si Marcial sa pamamagitan ng decision sa men’s middleweight division.
Habang isinusulat ang pitak na ito, nananatiling undefeated sa professional boxing si Marcial na may 5 wins sa ilalim ng Manny Pacquiao Promotions. (RON TOLENTINO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY