November 2, 2024

SOBERANYA MATAPANG NA IPAGTATANGGOL NG MARCOS ADMIN

NANGAKO si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagtatanggol ng kanyang administrasyon ang soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa China na may “firm voice.”

“Our sovereignty is sacred and we will not compromise it in any way,” diin ni Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes.

Matatandaan na inaangkin ng China ang kabuuan ng South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea. May overlapping claim din ang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan.

Nanindigan pa si Marcos Jr. na hindi siya papayag na ang “single millimeter of our maritime coastal rights to be trampled upon.”

“We have a very important ruling in our favor and we will use it to continue to assert our territorial rights. It is not a claim. It is already our territorial right,” saad ng incoming president.

“We’re talking about China and how do we do that? We talk to China consistently with a firm voice,” dugtong pa niya.

Tiniyak naman ni Marcos Jr. na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China para lamang maprotektahan ang WPS.

“That (war) is the last thing we need right now,” aniya.

Hindi rin susundin ni Marcos ang umano’y “unorthodox approach” ni Pangulong Rodrigo Duterte pero ipagpapatuloy ang independent foreign policy kung saan lahat ng bansa ay kaibigan. Noong 2016, pinagtibay ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, ang claim ng Pilipinas sa WPS matapos ibasura ang pag-angkin ng China sa kabuuan ng South China Sea.