
Pumanaw na ang Korean actress na si Kim Mi Soo 29, bida sa palabas na ‘Snowdrop’. Kaya naman, marami ang nagulat at nalungkot sa pagkawala nito. Papaano ba naman kasi, bata pa ang aktres.
Naging markado ito sa short film na ‘ Lipstick Revolution’. Kung saan ito ang kanyang debut noong taong 2018 sa role bilang Jo-yeon.
Ang nakalulungkot kasi, pumanaw siya kahapon, January 5. Samu’t-saring pakikiramay ang bumuhos sa social media sa pagkamatay ng South Korean aktres. Hindi naman nagbigay ng detalye ang agency na Landscape Entertainment sa dahilan ng pagkamatay niya.
Sa kabila nito, kabi-kabila ang pagkalat ng false information sa pagkamatay ni Mi-soo. Kaya, nakiusap ang agency sa mga netizens na huwag magkalat ng maling tsismis.
More Stories
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)
Komedyanteng si Matutina pumanaw na, 78
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48