Inatasang maging special correspondent ang international rapper na si Snoop Dogg ng isa sa pinakamalaking broadcast company ng United States of America para sa 2024 Paris Olympics.
Pinili ng Vice President of Olympic production Molly Solomon ng istasyon si Snoop Dogg matapos magviral ang isang commentary video ng rapper sa esquetarian match sa guesting niya bilang Olympic consultant sa 2021 Tokyo Olympics.
“We don’t know what the heck is going to happen every day, but we know he will add his unique perspective to our re-imagined Olympic primetime show,” wika naman ni Solomon.
Umani ng daang-libong engagements ang video ng komentaryo, na nagbukas ng pinto para kay Snoop Dogg para maging special correspondent sa nalalapit na Olympics.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA