December 25, 2024

Snatcher sugatan matapos manghablot ng cellphone

SUGATAN ang isang snatcher matapos makipagbarilan sa mga humahabol na pulis matapos hablutin ang cellphone ng isang security guard sa Malate, Maynila.

Nakaratay ngayon sa Ospital ng Maynila ang suspek na si Jason Echon dahil sa tama ng bala sa dibdib habang tinutugis naman ng pulisya ang kasabwat nito.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Station 9, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghalo sa harap ng isang drugstore sa Taft Avenue malapit sa kanto ng Estrada Street sa Malate.

Nagbabantay ang guwardiya nasi Jobert Roma, 33, sa nasabing drugstore nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang tricycle.

Hinablot ng isa sa kanila ang cellphone ng biktima at mabilis na tumakas papunta sa northbound ng Taft Avenue.

Hinabol pa ng biktima ang mga suspek gamit ang bisikleta pero hindi niya ito nahabol.

Sakto namang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga miyembro ng Tactical Motorcycle (TMRU) sa kanto ng Taft Avenue at Dagonoy Street na sinita ang mga suspek.

Imbes na huminto mabilis na tumakas angdalawa kaya hinabol sila ng mga operatiba, na binubuo nina PCpl. Wyner Banggawan and Patrolmen Ace Gerome Limon, Antonio Asunio at Vincent Wacnang.

Nang malapit na sa Delpan Sports Complex, pinaputukan ng isa sa mga suspek ang pulisya na gumanti ng putok kaya tinamaan sa dibdib ang gunman.

Nang makorner, iniwan ng ang sugatang suspek ng kanyang kasama na dinala ng pulisya sa ospital.

Narekober ng puliusya ang kanilang get-away vehcicle, na pulang Honda Wave 100 tricycle na may plakang 2950 SF.