Patay ang tinaguriang ‘snake man’ ng Pilipinas, ang taong sinasabing hindi tinatablan ng kamandag ng ahas, matapos tuklawin sa dila ng cobra nang subukan niyang halikan ang naturang ahas sa harap ng maraming tao.
Nahuli ni Bernardo Alvarez, 62, ang makamandag na Northern Philippine cobra sa bakuran ng kanyang kapitbahay sa Mangaldan, Pangasinan.
Ipinakita pa raw ng Filipino snake expert ang cobra sa harap ng kanyang mga tagahanga.
Habang hawak ang ahas inilapit pa raw ni Alvarez ang kanyang mga labi para halikan nang biglang tuklawin siya nito sa dila.
Sumisigaw sa sakit si Alvarez at tuluyang nag-collapse. Hindi nagtagal ay binawian din ito ng buhay.
Sinubukan ng mga doktor na buhayin ang snake expert pero huli na ang lahat. Nanigas ang kanyang katawan dahil sa kamandag ng cobra.
Kilala ang Northern Philippine cobra bilang isa sa pinakamakandag na ahas sa buong mundo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA