TULUYANG nang napundi si Sen. JV Ejercito sa mga agricultural smuggler dahil sa pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay JV, hindi na dapat payagan na makapagpiyansa ang agricultural smugglers na mahaharap sa kasong economic sabotage.
Naniniwala ang naturang senador na kapag ginawa ito ay maaring magdalawang-isip ang smugglers.
“Dapat nang buwagin at matauhan ang mga grupo na ito. Sampahan natin sila ng economic sabotage charges dahil walang bail ito,” ayon sa mambabatas.
Ito ang naging reaksyon ni Ejercito kasunod ng pagbubunyag ng isang grupo ng mga magsasaka na may 20 smugglers ang nagpupuslit na ngayon ng pula at puting sibuyas, bigas at frozen meat products.
“As the principal author of the Anti-Agricultural Smuggling Law, nakalulungkot itong balita na marami pa ring agri-smuggler na nag-o-operate sa ating bansa. It’s been six to seven years since the law was passed, ngunit parang nabalewala lang ang batas,” hinaing niya.
Nitong Lunes kasama ni Ejercito si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian, tserman ng Senate Ways and Means Committee, na nagsagawa ng ocular inspection ng modernization program ng Bureau of Customs (BOC) sa main office ng ahensiya sa Maynila. “Ang pagwakas sa agricultural smuggling, maging sa malawakang katiwalian sa BOC, ang dapat maging pulo’t dulo ng modernization ng ating mga customs operations. We will be vigilant,” said the politiko from San Juan City.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!