NAHARANG ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-COD) ang mga puslit na segunda manong sasakyan na idineklara bilang mga “used” auto spare parts.
Dumating ang nasabing kargamento noong Pebrero 12, 2024 sa Sub-Port of Mindanao Container Terminal mula Japan, na idineklara na naglalaman ng 55 packages ng mga gamit na auto spare parts.
Matapos makatanggap ng impormasyon, makagsamang nag-request ang CIIS, ESS at XIP kay District Collector Alexandra Lumontad na maglabas ng alert order para sa full physical examination sa mga nabanggit na kargamento. Sa isinagawang pagsisiyasat nadiskubre ang pagkakaiba ng kargamento, kung saan tumambad ang mga segunda mano na isang unit na 1985 Suzuki Jimny, isang unit ng 2021 Mercedes-Benz G Class, isang unit ng 2003 Toyota LC Prado, at isang unit ng 1995 Toyota LC Prado.
Base sa examination report, ang mga sasakyan ay tinaya sa aggregate Landed Cost, kabilang ang duties, taxes at iba pang singilin, na nagkakahalaga ng P6.7 milyon.
Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inilabas laban sa subject shipment para sa paglabag sa Section 1400 na may kaugnayan sa Section 1113 (f) at (1) 3, 4, at 5 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
More Stories
Loteyro ang da best sa Samahang Plaridel golfest
P1.7-M SHABU NAKUMPISKA SA 3 HVI SA CAVITE
P374K shabu, nakumpiska sa HVI drug suspect sa Valenzuela