January 24, 2025

SMC nagtanim ng 25,000 bakawan sa Hagonoy kontra baha

SINIMULAN na ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagtatanim ng 25,000 bakawan sa 10 hektarya sa coastal area sa Hagonoy, Bulacan.

Ito’y bahagi ng programa na pinagkasunduan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan ng Central Luzon at San Miguel Corporation kung saan tataniman ang 190,000 bakawan ang mahigit sa 76 ektaryang lupain sa coastal area dito.

Ang programang ito ay upang tugunan ang lumalalang kalagayan ng pagbaha sa ibat-ibang bayan sa Central Luzon gaya ng Hagonoy, Bulacan sa pagbaha kung saan itatayo ang napakalaki at pinakabagong international gateway na malapit lang sa Metro Manila.

“Hagonoy is one of the lowest-lying towns in Bulacan that perennially experience floods. But this is just the first of many areas. We are working with the DENR, who is helping us identify critical areas. The goal is to cover 76 hectares of coastal area all over Central Luzon, and plant a total of 190,000 mangrove saplings,” ayon kay Ang.

 “This project is a major component of our strategy to help solve flooding in Bulacan once and for all. Mangroves are essential to protect against flooding,” ayon kay SMC president Ramon Ang.

The effort is part of the company’s larger flood-mitigation strategy for Bulacan, the first is the PHP1-billion plan to dredge and clean-up the Tullahan-Tinajeros River system which began earlier this year,” dagdag pa niya.

“But apart from cleaning and clearing major waterways, the planting of mangroves in strategic areas is also important because it acts as the first line of defense against inundation for those living along the shorelines, whenever there are storms or strong tides. They are also key to maintaining the marine eco-system and water quality, as they are a natural habitat for marine species,” wika pa ni Ang.

Ang pagtatanim ng 25,000 bakawan sa 10 ektaryang lupain ay sinimulan sa Hagonoy upang mabawasan ang problema ng mga mamamayan dito sa pagbaha. Gayundin, upang maproteksyunan ang mga residente laban sa mga sakunang dulot ng tubig na buhat sa Pampanga basin tuwing sasapit ang tag-ulan.

Pinangunahan ni Mayor Raulito Manlapaz Sr, kasama ang mga tauhan ng DENR, SMC at mga lokal na opisyal ang pagtatanim ng 8,000 mangrove seedling sa unang tatlong hektarya at inaasahang masusundan taniman ang panibagong 10 ektarya sa Nobyembre