Ang San Miguel Corporation at Rural Rising Ph (RuRi) ay nakapag-rescue buy na ng 1.7 milyon na kilo ng prutas at gulay simula nung taong 2020 upang matulungan ang mga magsasaka.
Umaabot na sa 4,500 na magsasaka mula sa Luzon ang natulungan ng SMC at RuRi sa programang ito sa pamamagitan ng agricultural products na dinadala sa Better World Diliman community center.
“Food security remains to be one of the pressing concerns today and in the coming years, and we are happy to help bridge the gap between farmers and end-consumers by ensuring farmers get better-than-farmgate prices for their agricultural produce to earn higher incomes while offering these directly to consumers, including our employees,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.
“This partnership also allow us to provide a steady supply of fruits and vegetables to our adopted communities in Tondo through our Better World Tondo community center,” dagdag pa niya.
Kasama sa 1.7 milyon kilos ng prutas at gulay ang donasyon na 14,000 kilos na kinabibilangan ng
sayote, cabbage, lemons, at watermelons sa mga komunidad sa Tondo simula 2020 habang ang Box-All-You-Can activities sa SMC head office ay nakapagbenta ng 2,260 kilos ng prutas at gulay sa mga empleyado.
Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng programa ng SMC para pataasin ang kinikita ng mga magsasaka, mabawasan ang food waste at makatulong sa seguridad sa pagkain sa gitna ng pandemya.
Noong 2020, ang San Miguel Foods Inc. (SMFI) ay namili rin ng mais mula sa mga farmers cooperatives sa buong bansa nang hindi ito madala sa mga pamilihan dahil sa quarantine protocols. Nakatulong ito para masiguro ang raw materials ng SMFI para sa produksyon.
Samantala, libre pa rin ang espasyo para sa mga magsasaka sa Circolo Market sa pakikipagtulungan sa Cabuyao Agriculture Office sa Laguna at sa San Miguel Market sa Sariaya, Quezon province kung saan nakatira ang farmer and fisherfolk relocatees sa San Miguel Christian Gayeta Homes.
“Our efforts are not limited to just helping farmers sell their excess produce to prevent these from going to waste. These also include providing market facilities so they can save on transportation costs and also maintain the freshness and quality of products sold to consumers and also supporting community-based agriculture initiatives,” wika ni Ang.
Nung 2020 ay nakipagtulungan rin ang SMC sa Department of Agriculture para sa “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling stores sa Petron stations.
Samantala, ang mga miyembro naman ng RSA Farmers Association sa Davao del Sur napalago ang suporta ni Ang maliban sa kinita SMC community reselling program para sa rabbitry at hog-raising livelihood projects.
Nabigyan rin sila ng Entrepreneurship and Financial Management (EFM) training ng SMC sa pamamagitan ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).
Inaalagaan ng mga miyembro ng RSA Farmers Association ang mga rabbit mula sa Aznar Rabbitry Farms sa ilalim ng rabbitry buyback program partnership. Binibigyan rin sila ang technical assistance ng BMEG at pautang para sa feeds sa ilalim ng community hog-raising/hog-fattening program.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA