November 23, 2024

SMC, PATULOY NA NAMAMAHAGI NG AYUDA SA MGA HINAGUPIT NI ‘ODETTE’

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng San Miguel Corporation sa mga lalawigan na sinalanta ng ng Bagyong Odette, kabilang na rito ang donasyong pagkain at inumin na umabot sa higit P35 milyon.

Kasabay nito ay patuloy din na inaayos ng fuel subsidiary ng SMC na Petron Corporation ang pagbabalik sa operasyon ng mga nasira nilang service station sa mga probinsya na sinalanta ng bagyo.

Magpapadala rin ang SMC ng 24,000 litro ng tubig mula sa kanilang Bulacan Bulk Water Project tungo sa ilang komunidad sa Visayas at Mindanao sa tulong ng kanilang mga logistics partner katulad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at mga non-government organization.

Ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, nagsisimula pa lang ang pagbangon ng Visayas at Mindanao mula sa pinsala ng bagyong `Odette at patuloy silang tutulong para ganap na makarekober ang mga rehiyon na sinalanta ng kalamidad.