PASOK ang San Miguel Corporation sa listahan ng World’s Best Employer na inilabas ng Forbes para sa taong 2022.
800 kompanya mula sa 57 bansa ang napasama sa listahan matapos tumanggap nang mataas na puntos sa pagiging “Best Employer”.
Batay sa inilabas na listahan ng Forbes, nasa pang 174 na puwesto ang SMC; habang pang 106 na puwesto ang Jollibee.
Anim na taon nang ginagawa ng Forbes ang listahan ng World’s Best Employers kasama ang Statista.
Nag-survey ang Statista sa 150,000 full-time at part-time workers na nagtatrabaho sa mga multinationals upang matukoy kung alin sa mga ito ang mahuhusay pagdating sa gender equality, social responsibility at iba pa.
“It’s a major honor for us at San Miguel to be included in such a list, and to be ranked within the top 200 in the world, and one of the very best in the Philippines. We’re also very proud to stand together with other Filipino companies who have emerged as among the best in the world in advancing the welfare of employees and workers,” ayon kay SMC President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang.
For all the time I have been in SMC, and for most of its 131-year history, “malasakit” has been the core foundation of our corporate values. We look out for the welfare of our employees, partners, stakeholders, communities. On the part of our employees, the company’s malasakit towards them also means they show malasakit for the company.”
Dagdag ni Ang na bukod sa compensation at mga benepisyo, nagpapatupad din ang SMC ng iba’t ibang programa upang tulungan ang mga empleyado na hasain ang kanilang kakayahan, mapanatili ang kanilang kalusugan, umasenso sa career, gayundin para mapursige ang kanilang passions. Ang tulong sa oras ng pangangailangan ay isa ring tanda ng “paraan ng SMC”, sabi ni Ang.
Dahil sa COVID-19 global pandemic, hindi lamang pinalawig ng SMC ang extraordinary assistance sa bansa, kundi maging sa mga empleyado.
Damang-dama ang social responsibility ng SMC noong unang taon ng pandemya nang magtayo ito ng laboratoryo para sa RT-PCR testing ng mga tauhan nito at mga partners nito. Inilibre rin ng SMC ng toll ang mga healthcare worker noong panahon ng lockdown at walang masakyan ang mga tao.
Namuhunan din ang SMC sa paglalagay ng mga karagdagang health and safety protocol para sa mga empleyado, upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng mga mahahalagang produkto at serbisyo sa publiko.
Para sa mga support worker nito, naglunsad ang SMC ng ilang mga hakbangin, kabilang ang pagbibigay ng walang interes na mga pautang na may madaling paraan ng pagbabayad, upang makabili sila ng mga alternatibong paraan ng transportasyon tulad ng mga bisikleta at motorsiklo.
Binago rin ng SMC ang isang bahagi ng kanilang bakuran sa punong tanggapan nito para sa isang proyekto sa pagsasaka sa lunsod upang madagdagan ang kita at mga suplay ng pagkain ng mga manggagawa sa pagkumpuni at pagpapanatili at seguridad. Nakipagtulungan ang kumpanya sa School for Experiential and Entrepreneurial Development (SEED) Philippines para sanayin ang mga manggagawa sa urban farming.
Sa huli, naglaan ang SMC ng P1 bilyon para makabili ng mga bakuna para sa COVID-19 at mag-set up ng maraming vaccination centers sa buong bansa, para sa mahigit 70,000 empleyado nito at extended workforce maging sa kanilang pamilya, kahit na nag-donate din ito ng makabuluhang resources– kabilang ang pagha-hire ng ng mahigit 100 healthcare practitioner nito –upang suportahan ang national vaccination effort.
Samantala, ayon sa Forbes, ang mga survey na isinagawa upang matukoy ang World’s Best Employers, ay pawang anonymous, upang payagan ang mga kalahok na ibahagi ang kanilang mga opinyon nang hayagan.
“Respondents were asked to rate their willingness to recommend their own employers to friends and family. They were also asked to evaluate other employers in their respective industries that stood out either positively or negatively. Participants were asked to rate the companies on aspects such as economic impact and image, talent development, gender equality and social responsibility,” ayon sa Forbes sa opening statements ng listahan, na nailathala sa www.forbes.com.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI