Halos dalawang taon nang ilunsad nito ang P2-bilyon Pasig River cleanup initiative, iniulat ng San Miguel Corporation (SMC) na umabot sa 1-milyon tonelada ng burak at basura ang nahakot sa masaksayan ngunit maruming daluyan ng tubig.
Idinagdag pa ng SMC, optimistiko sila na tuluyan nang matatapos ang naturang proyekto sa Agosto at sa kalagitnaan ng rainy season.
Ayon kay SMC President President and CEO Ramon Ang, dahil sa paggamit ng biniling malalaking kagamitan para sa napakalaking proyekto, nagawa ng kompanya na hakutin ang 1,312,615 tonelada ng basura mula sa critical sections ng Ilog Pasig.
Isinagawa ang naturang proyekto, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources at iba pang ahensiya ng gobyerno, nang wala ginastos ang pamahalaan at bilang suporta na rin sa Manila Bay rehabilitation effort.
“More than the number of silt and solid waste removed from the river, we would like to emphasize the benefits of the river cleanup, such as the increase in its depth, and the widening of some narrow portions that have resulted in greater river capacity, faster water flow, and lesser chance of severe flooding, particularly in vulnerable communities near the River,” ayon kay Ang. “We will be able to see the full benefit of the cleanup, in support to the government’s flood mitigation programs, as we expect heavy rains in the coming months,”dagdag pa nito.
Nalampasan na rin ng SMC’s Pasig River cleanup output ang 1.12 milyong tonelada ng silt at mga basurang inalis nito mula sa isa pang maruming pangunahing ilog, ang Tullahan River, na nakatulong sa pagbabawas ng mga insidente ng matinding pagbaha sa mga lungsod ng Navotas, Malabon, Valenzuela, at Caloocan.
“For Tullahan River, we were able to reach our output in 26 months, or a little over two years, despite quarantine restrictions that delayed the start of the project in 2020,” Ang explained. “With restrictions easing, and with the benefit of larger equipment as well as learnings from the Tullahan cleanup, we were able to hit the same output for the Pasig River in just 20 months,” aniya.
Sinabi rin nito na target ng SMC na pagbutihin pa ang river cleanup activities nito sa Bulacan, matapos ang experience nito sa Tullahan at Pasig River. Sakop ng Bilacan River cleanup ng SMC ang Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) at sa ngayon ay nakahakot na ng 498,908 metric tons ng burak at basura.
Nilinis din ng San Miguel ang San Juan River, na nakakonekta sa Pasig River. Sa ngayon ay natanggal na nila ang 172,498 metric tons ng silt at solid waste.
Iniulat din ng ilang residente at lokal na opisyal na malapit sa 15-kilometer tributary na nabawasan ang pagbaha sa kanilang mga lugar.
“Dati-rati, umaabot sa isa o dalawang palapag yung baha. Umuulan pa lang ay nagsisimula na kaming mag-akyat ng gamit. Pero ngayon di na masyado mataas ang tubig kaya wala na kami masyadong pangamba, (In the past, floodwaters would reach one or two storeys high. Whenever the rains start, we move all our stuff upstairs. But now, floodwaters are not that high, so we are not as alarmed,” ayon kay Reynaldo Balili, na nakatira malapit sa Marilao Bridge sa Quezon City na lagusan ng San Juan River.
Sinabi naman ni Barangay Talayan chairman Jerry Ongtuaco, na pahirap sa kanyang constituents ang nararanasang matinding pagbaha.
Hindi lang tubig pati basura ang napupunta dito. Napakahirap talaga para sa mga residente. Now, in the last two years, you can see that it has been partly solved (Both floodwaters and garbage reach our area so it is really difficult for the residents. Now, in the last two years, you can see that it (flooding) has been partly solved),” saad niya.
Iniugnay din ng kompanya ang improvement ng daloy ng tubig matapos madagdagan ang lalim ng bahagi ng ilog mula sa 0.5 to 1.5 meters hanggang 2.5 to 4 meters. Bilang bahagi ng Skyway Stage 3 project ilang taon na ang nakalilipas, pinondohan din ng SMC ang cleanup ng San Juan River at reconstruction ng San Juan River Bridge o Pinaglabanan Bridge.
Bukod sa San Juan River, malaki rin ang naging pakinabang ng Pasig River cleanup sa Laguna Lake, partikular sa mga bayan na nakapalibor ito, na nakararanas ng ilang pagbaha sa nakaraang mga tao dahil sa heavy sedimentation ng nasabing lawa.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag