November 24, 2024

SMC LAYONG MATANGGAL 1M TONELADANG BASURA SA TULLAHAN, PASIG RIVERS

Nais ng San Miguel Corporation (SMC) na alisin ang kabuuang 1 milyong tonelada ng silt at solid waste mula sa Tullahan-Tinajeros river system sa Hunyo ngayong taon— mahigit isang taon mula nang ipatupad ang napakalaking P1-bilyong programa nito para sa paglilinis at rehabilitasyon ng 27-kilometer system at tumulong para maiwasan ang pagbaha sa Malabon, Navotas, Valenzuela, at iba pang lugar na madaling bahain.

Kumpiyansa si SMC President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang na makakamit ng kumpanya ang target nito sa loob ng apat hanggang limang buwan, na may kasalukuyang pang-araw-araw na dredging output na nasa 3,000 tonelada bawat araw.

Ang kabuuang extraction output mula Hunyo 2020 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 653,434 tonelada.

Ang SMC river cleanup initiative, na isinasagawa ng SMC sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay umaakma sa iba pang mga pagsisikap sa pagbawas sa baha sa Navotas, Malabon, Valenzuela, at Caloocan.

“Throughout the pandemic, and through many typhoons that have passed, our clean-up team has been relentless in their efforts to remove waste and silt from the Tullahan River. We’re encouraged by the big, positive changes we’ve already seen after just over one year of cleaning up the river. That’s why we have steadily built up our extraction capacity, bringing in more equipment and employing more people to help,” wika ni Ang.

Binanggit niya na sa pinakamatinding bagyo na dumating sa tail-end ng 2020 at sa buong 2021, walang naobserbahang malaking pagbaha sa mga lugar na madalas bahain. Ang mga tubig-baha na nagawa maging sa mga kalye ay mas mabilis ding humupa, kumpara sa mga nakaraang taon, aniya.

Ito aniya ay dahil sa paglalim ng ilog Tullahan–na nagbigay-daan dito na magdala ng mas mataas na dami ng tubig-baha palabas sa Manila Bay –pati na rin ang paglalagay ng mga bago at mas mahusay na pumping station ng gobyerno.

“The improvements we’ve seen in 2020 and 2021 have proven that we can better manage flooding if we just keep our rivers clean, and if we maintain an efficient, effective, and responsive flood mitigation system.  It will not work if we don’t have both components, and if there is no support and cooperation from the communities. We hope that in the coming years, as we continue our cleanup and rehab efforts for the Tullahan river, we can enjoin more people to take up and support this cause of keeping our rivers clean,” dagdag ni Ang.

Sinabi rin ni Ang na ang kumpanya ay naghahanda upang palawakin ang iba pang pangunahing hakbangin sa rehabilitasyon ng ilog–ang P2 bilyong paglilinis ng Pasig River, na nagpapatuloy sa mahigit anim na buwan na ngayon. 

Pabibilisin din ng SMC ang Pasig River rehabilitation initiative sa pag-hire ng mas maraming tauhan at pagkuha ng mga bagong kagamitan sa mga darating na buwan, upang mapalakas ang pagbawas sa baha sa Metro Manila. Ang mga bagong kagamitan na ito ay gagamitin din para sa mga pagsisikap sa paglilinis ng ilog sa Bulacan.

Kumpiyansa si Ang na lalampas ang kumpanya sa sarili nitong 600,000 tonelada taunang target na pagkuha ng basura mula sa Ilog Pasig, o 50,000 tonelada kada buwan.

Sa ngayon, ang proyekto ay nagkapagtanggal ng 178,300 tonelada ng basura mula sa makasaysayang ilog, na tinawag bilang numero unong ilog na naglalabas ng plastik sa mundo, na nagkakahalaga ng malaking tipak ng mga plastik sa karagatan.

“For the Pasig River initiative, we are targeting a higher daily output of 3,000 tons in a span of three years. That’s 3 million tons in all. Just like in Tullahan, we will continue to adjust our targets as needed, and also prioritize flood-prone areas near these rivers,” dagdag ni Ang.

Sinabi ni Ang na inaasahan niyang ang paglilinis ng Ilog Pasig ng SMC ay tataas ng may karagdagang kagamitan na inaasahang darating sa Marso. Kasama sa bagong kagamitan ang mga makukuha sa pamamagitan ng donasyon ng NYK Line ng Japan para suportahan ang proyekto.  

Noong nakaraang taon, nilagdaan ng SMC at NYK ang isang kasunduan na magpapahintulot sa shipping at logistics company na mag-donate ng $1.5 milyon sa loob ng limang taon upang makabili ng karagdagang kagamitan na kailangan para sa proyekto.

Muling iginiit ni Ang na ang mga proyekto, na ginagawa ng SMC bilang panlipunang responsibilidad nito at bilang bahagi ng mas malaking pagtulak para sa higit na environmental sustainability sa bansa, ay naglalayong alisin ang ilang dekada probelama sa basura at banlik sa mga ilog upang palalimin at palawakin ang mga ito.

Ito ay magpapalaki sa kanilang kapasidad na umagos ang tubig-baha at mabawasan ang matinding pagbaha sa buong Metro Manila.

“Flood mitigation is a primary consideration in cleaning up these rivers, but keeping them clean over the long-term will yield so much more benefits. These include improved marine biodiversity and even economic opportunities in tourism and transportation, which our people can enjoy. Getting to this stage will however entail continued close collaboration between all stakeholders, including local government units and the communities along the river,“ ani Ang.

Mangangailangan din ito ng epektibong solid waste management–lalo na, ang pagtatayo ng mga waste water treatment facility na magwawakas sa paglabas ng hindi nalinis na wastewater sa mga ilog, sabi ni Ang.

Sa kasalukuyan, ang paglilinis ng Ilog Pasig ng SMC ay nakatuon sa mga kritikal na mababaw na lugar sa Pandacan, Malacañang, at Sta. Mesa, kabilang ang sa junction ng San Juan River.


Nakatakda ring palawakin ng SMC ang mga operasyon sa iba pang mababaw na bahagi, katulad ng C-5 area malapit sa Marikina river junction, sa bukana ng Manila Bay, at sa Makati-Estrella area.

Para sa Tullahan, ang dredging area ng SMC ay sumasaklaw sa mga unang sektor mula sa bukana ng Manila Bay sa Navotas City, bago lumipat sa Malabon at Valenzuela City, partikular na mga bahagi ng ilog sa Marulas, Valenzuela, at sa Potrero at Tinajeros, Malabon.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang dredging malapit sa Catmon, Maysilo at Niugan sa Malabon.

Ang SMC ay nais simulan ang paglilinis at channel improvement project para sa Marilao-Meycauayan-Obando river system (MMORS) gayundin ang iba pang aktibong ilog at tributaries sa Bulacan, isang pangunahing bahagi ng flood mitigation initiative nito para sa lalawigan. Para dito, ang kumpanya ay may plano upang alisin ang humigit-kumulang 3,000 tonelada bawat araw ng silt at solid waste.

Sa kasalukuyan, ilang mga Bulacan-based graduates ng special  SMC-TESDA Heavy Equipment Operations course na ibinigay ng SMC sa mga dating settler ng Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan–sa future site ng paliparan–ay nagtatrabaho bilang bahagi ng SMC rehabilitation teams para sa Tullahan at Pasig rivers.