Kinilala ang San Miguel Corporation (SMC) bilang “Top Employer of the Year” sa ginanap na 2021 Asia CEO Awards.
“As one of the largest companies in the Philippines, we know we have a responsibility to use our resources to help rebuild lives and our economy, better. Despite the uncertainties, we keep pushing to help our country recover,” sambit ni SMC president Ramon Ang sa isang video message.
Sinabi rin ni Ang inaalay niya ang naturang award sa mga empleyado ng SMC at sa iba’t ibang subsidiary nito, nagsusumikap nang husto sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
Nagawang mabakunahan ng Ligtas Lahat vaccination task force ng SMC ang 90% ng mga empleyado ng kompanya at pinalawig ang workforce sa buong bansa. Nais ng kompanya na makumpleto ang vaccination program sa Nobyembre.
Ang SMC din ang kauna-unahang pribadong kompanya na nakapaglaan ng sarili nitong RT-PCR testing laboratory para regular na masuri ang mga empleyado nito ang matiyak ang kaligtasan sa workplace.
Ayon sa Asia CEO Awards, iginagawad ang Top Employer of the Year award sa anumang organisasyon na nakabase sa Pilipinas na “nakamit ang mahalagang tagumpay ng employer habang pinangangasiwaan ang negosyo sa loob man o sa labas ng bansa.
Ang mga pamantayan para sa award ay ang management achievement, workplace enhancement, recognition talent development, social commitment at work-life balance.
“We remain steadfast in our commitment to help in the country’s recovery from the pandemic and we pay tribute to our employees for helping us achieve our goals,” ani Ang.
Pagkatapos ang pagbabakuna sa mga empleyado nito, tututukan naman ng SMC ang pagtulong sa mga mahihirap na sektor.
“With the full vaccination of our employees completed before the year ends, we are confident that we can contribute more to the country’s recovery. This a crucial time in our country’s history and knowing this, we are pursuing job-generating projects and expansion programs,” wika ni Ang.
Sa gitna ng pandemya, nakapaglabas na ang SMC ng mahigit sa P14 bilyon para tulungan ang bansa – lalo na sa mga medical frontliners at mga mahihirap na komunidad.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna