Ipinagpaliban ng San Miguel Corporation (SMC) ang plano nitong balik-trabaho para sa mga empleyado sa NCR upang maiwasan ang hawaan sa lugar ng trabaho kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19, at payagan ang mga apektado na makapag-isolate at magpagaling nang maayos.
“We are carefully monitoring our COVID-19 cases across the group and adjusting our policies. For now, we encourage our employees to work from home unless otherwise required by our operations,” saad ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.
Dagdag niya na pinaigting ng SMC ang booster rollout nito para sa mga empleyado at kanilang pamilya. “We believe that the vaccines continue to protect us against severe disease and death even from the variant, so we are stepping up our campaign to administer booster shots to our employees and their families.”
Sa pamamagitan ng nationwide Ligtas Lahat employee vaccination program nito, ganap na nabakunahan ng SMC ang higit sa 97% ng 70,000 manggagawa nito sa buong bansa. Ganap din nitong nabakunahan ang higit sa 95% ng mga manggagawa nito sa buong National Capital Region, o higit sa 19,800 empleyado.
Sinimulan na rin nitong ilunsad ang pangangasiwa ng mga booster shot para sa mga empleyado sa buong bansa, na may paunang pagsisikap sa Metro Manila at Cebu, at may mga nakatakdang petsa para sa Batangas, Laguna, Pangasinan, Iloilo, Bacolod, Isabela, at Davao na itinakda sa buong linggo at sa susunod pa.
“After fully vaccinating almost all employees and extended workforce in our network nationwide, we were able to begin administering booster shots starting end of December. We’re currently rolling out vaccinations in major locations, with many provinces nationwide already being lined up,” wika ni Ang.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Ang na ang manning complement sa mga opisina nito ay limitado sa 20%, na prioritize ang mga essential workers na involved sa critical business activities.
Ito ay upang maiwasan ang maging pabigat sa mga ospital at sa health care system, sambit ni Ang.
“With the surge upon us, many of us are affected. The most important thing we as a company can do is to help prevent its further spread, so as not to overwhelm our medical sector, and to allow for proper isolation for those who have tested positive,” saad ni Ang.
“Our employees need to isolate properly, or may need to take care of family who are in isolation. Working from home will both prevent a spread and strengthen the family support system during this time,” dagdag niya.
Samantala, tiniyak ni Ang sa mga consumer at customer na ang mga negosyo ng kumpanya ay patuloy na magbibigay ng mahahalagang produkto at serbisyo sa buong panahong ito.
Ang pagkain, inumin, packaging, fuel operations, power generation at infrastructure operations ay magpagpatuloy, dahil ang mga essential workers na ang tungkulin ay nasa critical business activities ay papayagan makapagtrabaho, basta’t ang kanilang mga pasilidad ay mahigpit na sumusunod sa mga itinakdang manning levels at ipa-prioritize lamang ang essential workers.
Sinabi rin ni Ang na patuloy na matatanggap ng lahat ng empleyado ang kanilang sahod, kahit ang kumpanya ay naghanda rin ng cash assistance para sa staff ng third-party providers na hindi maaring mag-work-from-home, dahil sa uri ng kanilang mga trabaho.
Tuloy din ang sariling RT-PCR testing lab ng SMC kung saan prayoridad ang essential workers. Sinabi ni Ang na ang mga alituntunin para sa pagbabalik sa trabaho ay patuloy na susuriin upang isaalang-alang ang umiiral na sitwasyon sa buong NCR at mga kalapit na lalawigan.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna