PINASINAYAAN ng San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), isang subsidiary ng San Miguel Corporation (SMC), ang Saribuhay sa Dampalit project sa Barangay Pamarawan, Malolos, Bulacan.
Ang naturang pioneering initiative ay tanda ng paglulunsad ng kauna-unahang Biodiversity Offset Program (BOP) – bahagi ng natured-based solutions ng kompanya sa pagpapatayo ng New Manila International Airport project (NMAI) sa Bulacan. Layon nito na balansehin ang developments effort sa environmental preservation, suportahan ang lokal na kabuhayan at tugunan ang isyu sa baha sa flood-prone areas sa Bulacan.
Saklaw ng pilot ng BOP site sa Pamarawan ang 40 hektarya na may plano na palawakin sa 800 hektarya ng offset sites sa iba’t ibang lugar.
Dinaluhan ang naturang paglulunsad nina Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Undersecretary Juan Miguel Cuna, Undersecretary Augusto dela Pena, Undersecretary Ignatius Rodriguez, Dutch Ambassador Marielle Geraedts, at mga representative mula sa SMAI.
“The Saribuhay sa Dampalit project is an integrative approach to development that respects and enhances the natural environment alongside our infrastructure objectives. We firmly believe that progress and nature can co-exist, benefiting both the ecosystem and the local community. We thank everyone involved – from our partners in government, environmental groups and local community members for helping make this possible ,” ayon kay SMC President and CEO Ramon S. Ang.
Sumusunod sa International Finance Corporation (IFC) environment at social standards, ang naturang proyekto ay nagbibigay ng masaganang feeding ground sa visiting migratory birds na nasa record number na ngayon. Patunay na ang Offset Site na itinayo ng SMAI ay matagumpay na nakapaglaan ng sapat na pagkain para sa mga shorebird.
Sinabi ni Secretary Yulo-Loyzaga na ito ang una at pinakamalaking scale biodiversity offset project sa bansa.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtanggap sa mitigation hierarchy para sa net positive infrastructure development, na binibigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagbuo ng inclusive at resilient na komunidad habang pinoprotektahan ang biodiversity para sa mga susunod na henerasyon.
Kasama sa mga pagsisikap ng SMAI ang hanay ng scientifically grounded measures upang matiyak na ang mga bagong likhang tirahan ay nakakatugon sa mga partikular na pangangailangan ng wildlife na nilalayon nilang protektahan. Higit sa lahat, ang proyekto ng BOP ay nakipag-ugnayan sa mga lokal na residenteng apektado ng proyekto ng NMIA, na nagbibigay ng trabaho at nagpapataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat ng mga migratory shorebird. Ayon kay SMAI Project Director Cecile L. Ang, “By involving local residents in our efforts, we’re not just building infrastructure, we are cultivating a community that values and actively contributes to environmental preservation.”
Ibinahagi ni Alejanda Libao, na narelocate mula sa airport project site at kasalukuyang nagsisilbi bilang team leader ng offset site, kung papapano nabago ng programa ang kanyang pamumuhay. “Dapat pala ‘yung mga ibon,minamahal namin. Ngayon nalaman namin na may mga migratory bird pala, dati ‘kala namin tagak- tagak lang iyan. ‘Yung community ho nagkaroon ng hanapbuhay tapos minahal na rin nila ‘yung mga ibon. Hindi namin akalain na meron palang nag-aalaga ng ibon. Akala namin binubugaw lang namin ‘yan.”
Optimistiko si Ang na ang naturang proyekto ay mas mapapalawig ang wildlife protection, na posibleng gawing isang pangunahing lokasyon ang lugar para sa bird-watching, magpapalakas sa turismo at lilikha ng mas maraming oportunidad para sa mga komunidad.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL