April 24, 2025

SM Supermalls at DOLE, Maglulunsad ng Nationwide Job Fair sa Araw ng Paggawa

MAYNILA — Sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong darating na Mayo 1, magsasagawa ng malawakang job fair ang SM Supermalls katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) para maghatid ng libu-libong oportunidad sa trabaho sa mga Pilipinong naghahanap-buhay.

Ang job fair ay gaganapin sa 20 piling SM malls sa buong bansa, bilang bahagi ng pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor upang mapalawak ang access sa kabuhayan at matulungan ang mga jobseeker.

Mga Mall na Kalahok:

  • SMX Convention Center Manila
  • SM Center Las Piñas
  • SM City East Ortigas
  • SM City Marikina
  • SM City Sucat
  • SM City Grand Central
  • SM City Baguio
  • SM City Tuguegarao
  • SM City Cabanatuan
  • SM City Olongapo Central
  • SM City Pampanga
  • SM City San Jose del Monte
  • SM City Taytay
  • SM Center San Pedro
  • SM City Sto. Tomas
  • SM City Roxas
  • SM City Bacolod
  • SM Seaside City Cebu
  • SM CDO Downtown Premier
  • SM City Davao

Simula ng Aktibidad: 10:00 AM

Inaasahan ang daang-daang kompanya na mag-aalok ng trabaho mula sa mga sektor ng retail, customer service, logistics, at hospitality, kung saan maaaring magsumite ng resume on-site at agad na makausap ang mga recruiter.

Kasama rin ang ilang ahensiyang pampamahalaan gaya ng:

  • Bureau of Internal Revenue (BIR)
  • Social Security System (SSS)
  • PhilHealth
  • Pag-IBIG Fund

Tutulong sila sa mga aplikante sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento at requirements sa trabaho.

Jobstreet Partnership

Pinalawak din ng SM Supermalls ang kanilang partnership sa Jobstreet by SEEK gamit ang hybrid setup — kumbinasyon ng online at on-site job matching para mas mapadali ang proseso para sa mga aplikante.

Mga Susunod na Schedule ng Job Fair:

  • Mayo 2 – SM City Valenzuela
  • Mayo 22 – SM City Lucena
  • Mayo 29 – SM City Dasmariñas
  • Mayo 30 – SM City Trece Martires

Ayon sa DOLE, malaking hakbang ito upang mapaigting ang layuning bawasan ang unemployment rate at maihatid ang trabaho malapit mismo sa komunidad.