
NAGSAGAWA ng motorcade si Ang Supremo Senador Lito Lapid sa lalawigan ng Cavite noong Lunes hanggang Batangas, kahapon.
Nag-umpisa ang motorcade sa Kawit hanggang Noveleta, Rosario hanggang Tanza Cavite; mula Gen. Trias hanggang palengke ng Trece Martires; mula Indang public market hanggang Alfonso, Cavite.
Naglibot din si Lapid mula sa Nasugbu hanggang sa palengke ng Lian, Batangas.
Sa Cavite, kasama ni Supremo sa pag-iikot si “Big Mac”, isa sa mga artista sa FPJ’s Batang Quiapo.
Malugod at mainit naman ang pagsalubong ng mga Caviteño at Batangueño kay Supremo.
Sa ikalawang araw ng motorcade, sinuyod ni Lapid ang mga palengke sa bayan ng Calatagan, Balayan, Calaca, Lemery, Taal, Sta. Teresita, Bauan, Batangas City, Ibaan at Rosario, Batangas.
Nagpaabot naman ng taus-pusong pasaslaamat si Supremo sa mga kababayan nating nag-abang at sumalubong sa kanya sa Cavite at Batangas.
Ngayong Miyerkoles, lilibutin ni Supremo ang Lipa City hanggang sa lalawigan ng Quezon.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela