WALA ng buhay nang matagpuan ang Slapshock frontman na si Jamir Garcia sa loob ng kanyang bahay sa No. 14 Production St., Barangay Sangandaan, Quezon City, kahapon ng umaga.
Si Garcia, 42, o Vladimir Garcia sa totoong buhay, ay ang lead vocalist ng Slapshock.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang nakabigti si Garcia ng kanyang tiyahin sa loob ng banyo dakong alas-9:20 ng umaga, gamit ang blanket na itinali sa steel window
Ayon sa report, agad daw tinanggal sa pagkakatali sa leeg ng biktima ng tiyahin ni Jamir at ng kanyang live-in partner at dinala sa Metro North Medical Center and Hospital para sa medical treatment.
Dakong alas-10:20 ng umaga nang ideklara ng attending physician ng nasabing ospital na wala ng buhay si Garcia.
Ayon sa pulisya, walang nakitang sugat sa labas ng katawan ni Garcia maliban sa marka sa kanyang leeg.
Samantala, ayon sa live-in partner, walang anumang nakita o narinig mula kay Garcia bago ang insidente ngunit napansin nila na ito ay depress.
Nabuo ang bandang Slapshock noong 1997 na isa sa mga pioneer ng heavy metal sa Pilipinas.
Nakilala rin ang kanilang mga album gaya ng 4th Degree Burn, Headtrip at Cariño Brutal.
Ilan sa mga kilalang kanta ng naturang banda ay ang “Agent Orange,” “Cariño Brutal,” “Wake Up” at “Misterio.”
Nagluluksa naman ang Philippine music industry sa pagpanaw ni Garcia.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA