November 24, 2024

Skyway 3 bubuksan sa Disyembre, 1 buwang toll ililibre – SMC

Tiyak na magiging merry ang Pasko ng mga motorista dahil magbubukas na sa Disyembre ang kahabaan ng 18-km Skyway 3 expressway at walang bayad ito sa mga motorista sa loob ng isang buwan.

Ayon kay San Miguel president Ramon Ang, kumpiyansa ang kompanya na buksan ang Skyway 3  sa Disyembre kabila ng  matinding pagbuhas ng ulan upang pigilan itong matapos.

Bukod pa aniya rito, gagawing libre ang toll fee sa loob ng isang buwan na sakto sa Christmas rush.

“We have all waited long for this project, so this is the best way we can welcome everyone, by making Skyway 3 free for one month,” wika ni Ang.

Ang dating 3 oras na biyaheng NLEX-SLEX ay inaasahang magiging 20 minuto na lang dahil sa bagong expressway.

“With Skyway 3, we will improve the daily commutes and lives of so many Filipinos. We will lessen their time spent in traffic on the road, we can increase both their productivity and time spent with their families,” wika ni Ang.