November 5, 2024

SKELETAL WORKFORCE AT MAS MAIKLING WORKING HOURS, IPAPATUPAD SA BI OFFICES

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) na muling ipatutupad ang skeleton workforces sa lahat ng kanilang opisina sa Metro Manila at babawasan din ang working hours kapag inilagay na ang rehiyon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 6.

Sa isang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong working scheme ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa ECQ ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.

Dagdag pa niya na simula sa Agosto 6, ay magpapatupad ng mas maikling working hours simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon, dagdag ni Morente.

Ipinagbawal din ni Morente ang dine-in services para sa mga customers ng canteens  at food kiosk sa BI main building sa Intramuros, Manila.

Pinapayuhan din ang mga BI employees at kliyente na ang edad ay 60-anyos pataas, buntis at with comorbidity and immunodeficiency na manatili na lang sa tahanan.

“We will remain strict in seeing to it that our employees and clients follow the minimum health protocols such as the wearing of face mask and face shield and observing social distancing.  Those who do not observe these protocols will be sent home,” babala ni Morente.